HINDI NA KAILANGAN ANG LANGUAGE SELECTION AT ACCESS CODE DIALING
Irehistro sa inyong Brastel Card ang phone number(s) na inyong ginagamit sa pagtawag para mapabilis ang inyong pag-dial.
Kung ang inyong phone number(s) ay nakarehistro, ito ay mababasa ng aming system at kayo ay hindi na kailangang pumili ng guidance language at mag-enter ng access code kapag tatawag.
- Huwag irehistro ang numero ng teleponong pampubliko(dormitories, hotels etc.) at maging pribadong linya na marami ang gumagamit upang maiwasang magamit ang credit ng inyong card nang walang pahintulot.
- Hindi maaaring gumawa ng magkasabay na tawag gamit ang isang access code.
- Kung kayo ay nagpalit ng phone number, i-update lamang kaagad ang impormasyon sa inyong card para hindi magamit ang credit ng inyong card kung sakaling ang dating phone number ay gamitin ng iba.
- Hindi maaaring irehistro ang numero sa ibang bansa(halimbawa: para sa International Access service). Subalit dahil sa carrier limitations,ang ibang bansa ay hindi makapagpadala ng caller ID at kayo ay papipiliin ng guidance language at ang inyong access code ay kailangang i-enter.
- Para marehistro ang international phone number, i-enter: country code + area code + phone number.
SPEED DIAL
PARA SA SECURITY NG INYONG CARD
Ang huling apat na numero ng inyong access code ay ang inyong PIN at ito ay maaaring palitan ng ibang numero na inyong nais (maliban sa "0000") para sa mas higit na seguridad ng inyong card.
Kung nais na magamit ang features na nasa itaas, i-access lamang ang My Account sa pamamagitan ng phone o tumawag sa customer service.