Mga impormasyon na ibinigay alinsunod sa Fund Settlement Act (Pre-Payment, Brastel Card)

Updated: 2021/05/10

Issuer name and address: Brastel Co., Ltd.
2-6-2 Yokoami, Sumida-ku, Tokyo
Contact information para sa mga katanungan at karaingan: Customer service:
Free dial:
From mobiles:
Tinatanggap na halaga at paraan ng pagbabayad: Pagbabayad gamit ang Smart Pit: 2,000 yen, 3,000 yen, 5,000 yen, 10,000 yen.

Pagbabayad gamit ang coupons: 2,000 yen, 3,000 yen, 5,000 yen, 10,000 yen (maliban sa special Brastel cards).

Pagbabayad gamit ang credit card: anumang halaga mula 500 yen hanggang 10,000 yen.

Pagbabayad gamit ang PayPal: mula 500 yen hanggang 10,000 yen.

Pagbabayad sa mga authorized recharging points: (10 yen unit) mula 500 yen hanggang 29,990 yen.

Pagbabayad sa My Payment: anumang halaga mula 2,000 yen hanggang 29,999 yen.
Expiration: Isang taon mula sa huling "usage date" (ang huling "usage date" ay ang petsa ng huling tawag/ transaksyon na binayaran.
Usage area: Mga regions na maaaring ma-access ng aming itinalagang access numbers.
Paraan ng pag-check ng hindi nagamit na balanse: Sa pamamagitan ng pag-check sa "My Account" online o pagtawag sa customer service center.
Mahalagang paalala: Ang Company ay walang pananagutan sa pagkawala ng card, at paggamit ng third party dahil sa pagbibigay ng access codes details.
Huwag sirain o itupi ang card.
Anumang halagang naibayad na ay "non-refundable".

Basahin ang bawat "service page" para sa notes sa paggamit ng serbisyo.
Security Deposit: Ayon sa Fund Settlement Act, nararapat lamang na protektahan ang assets ng holders ng prepaid payment instruments (tulad ng Brastel Card), sa pamamagitan ng pagdeposito ng security deposit na hindi bababa sa kalahati ng hindi nagamit na balanse ng lahat ng prepaid payment instruments dalawang beses sa isang taon: March 31 at September 30.
Sa kaso ng hindi inaasahang mga pangyayari, batay sa Article 31 ng Fund Settlement Act, ang holders ng prepaid cards ay maaaring makatanggap ng pagbabayad nang mas maaga sa ibang creditors mula sa security deposit na diniposito ng Company.
Security Deposit Maintenance Method at Contracting Party: Batay sa Article 14, Paragraph 1 ng Fund Settlement Act, pinapanatili ng Company ang security deposits sa pamamagitan ng security deposit contract sa Mizuho Bank, Ltd.
Compensation policy para sa fraudulent transactions: ・Mga tiyak na sitwasyon kung saan maaaring mangyari ang pagkawala o pinsala:
Kapag ang card o access code ay nakuha ng ibang tao at ang balanse ay nagamit.
・Pagbabayad o hindi pagbabayad ng compensation para sa pagkawala o pinsala:
Ang Brastel ay magbabayad para sa pagkawala o pinsalang naidulot sa customer na naging biktima ng mapandayang paggamit ng kanyang Brastel prepaid card. Ang pagbabayad ay mangyayari lamang kung ang ito ay hindi dahil sa kapabayaan ng customer at ang request sa aming customer centers ay ginawa sa loob ng 30 days mula sa araw na nagyari ang "fraud". Subalit, kung ang customer ay nakatanggap ng compensation para sa pagkawala o pinsala mula sa third party maliban sa Brastel, ang Brastel ay magbabayad para sa pagkawala o pinsala at ibabawas ang halagang natanggap na ng customer.
Ang mga kaso na itinuturing na kapabayaan na hindi sakop ng "damage compensation policy" ay ang mga sumusunod:
 ・Kung ang card o access code ay ibinigay ng customer sa ibang tao.
 ・Kung ang card o access code ay naiwan sa lugar kung saan maaari itong makita ng ibang tao o ito ay ninakaw ng third party.
 ・Kung ang customer ay pinapanatiling magkasama sa iisang memo ang card at access code.
 ・Kapag ito ay may katulad na paglabag bilang pangangalaga tulad ng nasa itaas.
・Detalye ng compensation procedure:
Mangyaring makipag-ugnayan sa aming customer service sa loob ng 30 days mula sa araw na nangyari ang "fraud".
・Customer Service contact information:
Customer service sa Tagalog
Free Dial: / mula sa mobile phones:
・Mga pamantayan para sa paglalathala ng impormasyon tungkol sa fraudulent transactions:
Agad na isasapubliko ng Brastel ang lahat ng kinakailangang impormasyon kapag kinakailangan itong gawin upang maiwasan ang karagdagang pagkawala o pinsala sa panahon ng fraudulent transaction o kung ito ay mangyayari, o kung ang pagsasapubliko ng impormasyon ay kapakipakinabang upang maiwasan ang pag-ulit ng parehong mga kaso, o, kung ito ay may malaking epekto sa lipunan ayon sa halaga ng pagkawala o pinsala o ang bilang ng mga kaso.